Saturday, 19 October 2019

MGA KAKAIBANG SALITA SA QUEZON




Ang 'umadyo' ay umakyat. Ang 'dayagin' ay maruruming pinggan. Ang 'magdadayag' ay maghuhugas ng pinggan at ang 'as-is' ay magkukuskos o maglilinis ng maruming kaldero.

Salitain rin sa Quezon ang 'yanu' na ang ibig sabihin ay 'ubod' o 'sobra'. Kapag sinabing 'Yanu ka naman ay!', ibig sabihin 'Sobra ka naman!' Ginagamit ang 'yanu' para ilarawan ang iyong katangian tulad ng 'yanung taba', 'yanung ganda', 'yanung sarap', 'yanung liit.'

Marahil magtataka ka kapag may narinig ka na nagsabing 'Huwag mo "landiin" ang tubig.' Ha?! Tubig, nilalandi? Opo! Hindi lang po pogi o maganda ang nilalandi! Puwede pong 'landiin' ang tubig, kuryente at pagkain. Pero katulad ng paglandi sa maganda o pogi, ito po ay mali. Sapagkat sa Quezon ang 'paglandi' ay pag-aaksaya o pagsasayang ang kahulugan. Kaya huwag maglandi! (Bahala na po kayo kung ano'ng landi. :-) )


Huwag na huwag ding magagalit kapag sinabi sa'yong 'Puwede ko ba ''akitin'' ang asawa mo mamayang gabi? May inuman kasi sa amin, gusto ko siyang akitin.' Ang salitang 'akitin', ay 'yayain' o 'imbitahin' ang ibig sabihin.
Sadyang nakakatuwa at napakayaman ng wikang Filipino o Tagalog. Narito ang iba pang mga salitang tagalog na maririnig niyo sa Quezon:
Bulog -- Unggoy
Yayaon -- aalis
Sasaka -- pupuntang linang or barrio
Uuwi -- pupuntang bayan
Natikangkang o naburingka --- natumba
Kimpi -- talangka
Mangunguli/magdadayag -- maghuhugas ng pinggan
Maglalabar -- half bath
Mag- uuli---- mag gagala o gagala o mamamasyal
Pulasi -- kanal
Labtok --paltos sa kamay o paa
Aburido -- nagmamadali
Mamiminaw --- kukunin ang damit na sinampay
Balam --- matagal
Balaw --- alamang
Balagwit -- pasan
Bumba -- poso
Guyam -- lamgagam
Kutitab --maliliit na langgam na pula o itim
Hasi---kasya
Himbi--- inggit ex. nahihimbi si ana sa laruan ni bea. 
Lagadera --- timba
nalilingas o nalikiyo -- nahihilo
purbahan/atohan ---subukan ex. purbahan/atohan mo kung matalas ang kutsilyo 
sambutin --- saluhin
Tupiin--- batukan
Nakamusdot --- nakanguso o nakasimangot
Timbon---bunton ex. nakatimbon ang tuyong dahon sa bakuran
Uswad -- tuwad
Pamahi -- pambura
Gaurit - kaunti
Hambalos - palo
Utay-utay -- unti-unti ex. utay-utayin mo ang pagkain ng cake 
Mabanas --- mainit o init ex. ang banas ng panahon ngayon
Hiso -- magtotoothbrush
Nasimot -- napulot example: nakasimot ng pera si ana
Naka-usli---- nakalabas
Gulok --- itak
Hiwit -- kiling, example:nakahiwit ang pagkakalagay ng poste
Nakakaaduwa -- nakakadiri

Ilan lamang ito sa mga salita sa  Quezon na ginagamit sa araw-araw na pakikipag-usap ng mga Quezonian, lalo na ng mga nakatira sa 'linang' o malalayo at liblib na bayan. Kung may salitang Quezonian pa kayong alam na wala sa mga nabanggit, i-share po sa amin sa comment. :D

Maraming salamat kay Liezel Mendoza ng San Vicente Gumaca, Quezon na siyang nagpadala ng mga salitang inyong nabasa. Tara na sa Quezon!

1 comment:

  1. Thank you po sa kay Ms. Liezel Mendoza at nadagdagan na naman ang aking kaalaman. ❤️ At sa gumawa din ng Blog na to, salamat din.

    ReplyDelete